"Banta ng Contempt kay Duterte sa Senado"
Hindi nasampahan ng contempt si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kanyang bastos na pananalita at asal sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee noong Lunes kaugnay ng madugong kampanya laban sa droga, ayon kay Minority Leader Aquilino Pimentel III na namumuno sa subkomite. Ayon kay Pimentel, maghahain siya ng mungkahi na amyendahan ang mga panuntunan ng Senado na hindi nagbibigay ng kapangyarihan sa mga subkomite na magpataw ng contempt tulad ng mga pangunahing komite. “Nalaman ng subkomite pagkatapos ng pagdinig na ayon sa Seksyon 20 ng aming mga tuntunin, wala itong kapangyarihang mag-cite ng isang resource person sa contempt. Bago magdaos ng ikalawang pagdinig, kailangan naming bigyan ng kapangyarihan ang subkomite at amyendahan ang seksyong ito,” pahayag ni Pimentel sa isang panayam sa dwIZ kahapon. Pinuri niya ang babala ni Sen. Risa Hontiveros na ipapatawag si Duterte para sa contempt kung muling magsasabi ng mga pagmumura sa susunod na pagdinig. Sa imbestigasyon natin sa mga extrajudicial killings sa kanyang war on drugs, walang sinuman kahit dating pangulo ang higit sa batas,” sinabi ni Hontiveros sa “Truth on the Line,” isang online show ng The Philippine STAR noong Oktubre 31. Sinabi ni Hontiveros na nais niyang mapunta si Duterte sa detensyon ng Senado para sa contempt, dahil sa kanyang pagiging bastos at pagsira sa takbo ng pagdinig sa pamamagitan ng pagmumura sa mga pinaghihinalaang kriminal at pagbanggit ng kanyang galit sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga. Dagdag ni Pimentel, kung hindi maaamyendahan ang mga tuntunin, kailangang ng subkomite ang rekomendasyon para sa contempt sa pangunahing Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano. “Nagsisilbing aral ito sa amin na dapat magkaroon ng kapangyarihan ang subkomite na mag-cite ng witnesses sa contempt,” ani Pimentel. Sa tanong tungkol sa mga batikos sa kanyang pamumuno sa pagdinig kung saan nakapangibabaw si Duterte at walang obserbasyon sa tamang asal, sinabi ni Pimentel: “Hindi mo mapapakiusapan ang lahat. At hindi iyon ang misyon ng chairman.” Binigyan ng pansin si Duterte dahil baka hindi na siya makadalo sa susunod na pagdinig at dahil wala ang ibang pangunahing testigo noong unang araw ng imbestigasyon, ayon kay Pimentel. “Ibinigay namin ang focus sa testigo na maaaring hindi na bumalik sa susunod na pagdinig. Kung siya man ang nakakuha ng spotlight, ganun talaga. At least, may mga ebidensyang nakatala,” ani Pimentel. Si retired police colonel Royina Garma at nagbitiw na commissioner ng National Police Commission na si Edilberto Leonardo, na nagpahayag sa House of Representatives quad committee na nagbigay si Duterte ng pabuya sa mga pulis para sa bawat napapatay na pinaghihinalaang drug suspect, ay ipapatawag sa susunod na pagdinig sa Senado. Mariing itinanggi ni Duterte ang sistemang pabuya sa kanyang kampanya kontra droga. Sinabi ni Pimentel na pinayagang magsalita nang malaya si Duterte sa pagdinig sa ilalim ng panunumpa at nagbigay ng isang pasabog na mayroon siyang death squad na binubuo ng mga gangster at mayayamang personalidad sa Davao City na handang pumatay ng mga pinaghihinalaang drug suspect. Ngunit minaliit ng mga kaalyado ni Duterte ang kanyang testimonya bilang biro lamang o isang metapora upang takutin ang mga kriminal parehong taktika na ginamit ng kanyang mga opisyal noong administrasyon niya upang bawasan ang epekto ng kanyang mga kontrobersyal na pahayag.
Ang paraan ng iyong pagpapahayag ay puno ng respeto at kalinawan. Ipinapakita nito na marunong kang magbigay ng opinyon nang hindi nakakasakit sa iba.
ReplyDeleteNice!! Naipahayag mo ang nais mong iparating. Mas magiging detalyado pa sana ito kung ito ay mayroong mga pictures.
ReplyDeleteUhm, ang structure mo ay clear and well-organized. Maganda ang structure ng gawa mo. Malinaw at maayos ang pagkakapresenta ng isyu, pati na rin ang pagpapaliwanag ng mga limitasyon ng Senado. Naipakita mo rin yung pangangailangan ng reporma at pananagutan and also it’s concise
ReplyDeleteMalinaw ang pagpapaliwanag ng isyu at ang mga posibleng hakbang ng Senado. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay maayos, at mabuti ang pagkakalatag ng mga pananaw ni Pimentel at Hontiveros.
ReplyDeleteNaipahayag mo nang maayos ang iyong opinyon nang hindi nakakalito sa mambabasa.
ReplyDeletemaganda at maayos ang paggawa, ngunit maaaring gumamit pa ng mga larawan upang makapagpakita ng visuals sa mambabasa.
ReplyDeleteMahusay ang paglalahad ng mga impormasyon. Imporamatibo ito sa bahagi kung saan inilahad mo din ang pahayag sa naging panayam sa mga taong nabanggit sa usapin ( Pimentel ). Naipakita ang kahalagahan ng tamang paggamit ng wika sa politika, sa pamamagitan ng pagtalakay sa naging usapin kaugnay sa bastos na pananalita at hindi magandang asal sa pagdinig ng senate blue ribbon subcommittee ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
ReplyDeleteNaipapahayag ng maayos ang impormasyon, talagang nakakawili tingnan at mas naiintindihan ng mambabasa mahusay!
ReplyDeleteTama nga naman na sa kontrobersyal na testimonya ni Duterte sa Senado ay nagtataas ng mga katanungan tungkol sa kapangyarihan ng mga senador at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan at dignidad sa mga pagdinig. Kaya ang ganda ng iyong blog dahil talagang naipahiwatig mo ang konsepto ng iyong blog.
ReplyDeletemahusay! maayos ang paggawa, at naipahauag mo nang maayos ang iyong opinyon
ReplyDeleteMaayos mong naipahayag ang iyong blog at maganda pa lalo dito na gumamit ka ng mga totoong impormasyon na isinaad ng mga tao.
ReplyDeleteAng galing ng mga senador na nagtanong kay Duterte, lalo na si Sen. Hontiveros. Parang ang tapang niya! Pero ang nakakainis, hindi pala pwedeng i-contempt si Duterte dahil sa mga sinabi niya. Parang hindi patas! pero slayable sya. yung sa may suggestion ko lang is mas gaganda yung blog kapag may video o kaya larawan pa na pwedeng makapang-engage ng blog na ito.
ReplyDeleteTunay na maganda ang iyong pagpapahayag sa iyong blog may daloy na pagkakasunod-sunod.
ReplyDeleteMahusay ang pag kakasulat ng iyong blog ito ay nagbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa kahinaan ng mga panuntunan ng Senado na hindi nagbibigay kapangyarihan sa subkomite na magpatupad ng contempt.
ReplyDelete